--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Ilagan Association of Women ( ILAW ) sa Ilagan City na hindi sila makikilahok ng ano mang hakbang na nais magpatalsik kay pangulo Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang paghalik sa isang pinay sa South Korea.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni ILAW Vice President Adelaida Almachar na walang problema sa panghahalik ni Pangulong Duterte sa isang pinay dahil pumayag naman umano at hindi nagalit kaya hindi masasabing hindi iginalang ang naturang pinay.

Ayon kay Almachar, nais nilang protektahan ang kanilang hanay subalit kanyang nilinaw na may ibat-ibang paniniwala ang mga kababaihan na kailangan irespeto.

Anya maaaring sa iba ay hindi maganda ang reaksyon ng pangulo pero sa iba umano ay maaaring karangalan pa na mahalikan ng pangulo.

--Ads--

Subalit, paglilinaw ni ILAW Vice President Adelaida Almachar sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na kung magkakaroon ng lider na kahalintulad ni Pangulong Duterte pagdating sa pakikitungo sa mga babae ay marami umano ang kokondena dito.

Anya ang mahalaga ay walang ma-agrabiyadong indibidual.

Naging kontrobersyal at umani ng iba’t ibang reaksyon ang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang pinay OFW sa pagdalaw nito sa South Korea.