--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang B.S. Criminology graduate at nag-aaplay na maging pulis matapos mabangga kagabi ng delivery truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa national highway sa Arcon, Tumauini, Isabela.

Ang namatay ay si Romil Claine Urbano, 21 anyos at residente ng Villa Gonzaga, Santiago City habang ang tsuper ng truck reefer van ay si Joey Dohilag, 44 anyos, may asawa at residente ng Real St. Almanza, Las PiƱas City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Tumauini Police Station, patungo sa Tuguegarao City si Urbano habang patungo sa Metro Manila ang truck na maghahatid ng mga seafoods.

Nang makarating sila pakurbang bahagi ng daan ay napunta umano sa kabilang linya ang truck kaya nabangga ang kasalubong na motorsiklo.

--Ads--

Tumilapon si Urbano ng ilang metro habang pumailalim ang minamaneho niyang motorsiklo sa truck at nakaladkad pa ng 10 metro na naging dahilan ng pagkasunog nito.

Dinala sa ospital ang binata subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong malalang sugat sa katawan.

Magtutungo sana sa Police Regional Office (PRO2) sa Tuguegarao City si Urbano upang i-proseso ang kanyang aplikasyon sa pagkapulis ngayong araw.

Kakasuhan si Dohilag ng Reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.