--Ads--
CAUAYAN CITY-Namatay ang isang lalaki matapos masangkot sa aksidente sa Cauayan City.
Ang namatay ay si Lino Salazar, 25 anyos, residente ng District 3, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni P/Chief Insp. Jane Bautista ng Cauayan City Police Station na natagis ang biktima ng biglang tumawid matapos umanong sabihan ng isang traffic enforcer na pansamantala munang huminto dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng mga motorista.
Maging ang tsuper ng motorsiklong si Dennis Jovito ng Solano, Nueva Vizcaya na bumangga sa biktima ay isinugod sa ospital dahil sa tinamong bali sa kanang paa.
--Ads--




