--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay na ng matagpuan ang isang babaeng ilang araw nang nawawala sa coastal town ng Maconacon, Isabela.
Ang biktima na si Rosa Marie Gonzales na natagpuang patay sa madamong bahagi, ilang metro ang layo mula sa dagat ay nawawala simula noong May 25, 2018.
Sa imbestigasyon ng mga pulis ng Maconacon Police Station, lumabas na pinahirapan muna ang biktima bago pinatay dahil sa mga sugat sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Patuloy na inaalam ng Maconacon Police Station kung ano ang motibo kung sino ang may kagagawan sa brutal na pagpatay kay Gonzales.
--Ads--




