--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaki makaraang pagsamantalahan umano ang isang babae na may kapansanan sa pag-iisip sa Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay kinilala sa pangalang Aniceto, 35 anyos habang ang biktima ay itinago naman sa pangalang Nene, di tunay na pangalan at kapwa residente ng nasabing bayan.

Sinasabing ang biktima ay nasa loob ng kanilang bahay nang biglang kaladkarin ng magsasaka at isinagawa ang panggagahasa.

Gayunpaman, kaagad dinakip ng mga opisyal ng barangay at mga sundalo ang suspek at ipinasakamay sa Cabagan Police Station.

--Ads--

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong rape o panggagahasa.