--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang pamilya ng babaeng tumalon kagabi sa isang balon na walang foul sa Santa Maria, Isabela.

Ang namatay ay si Gemma Sibayan, 37 anyos, residente ng Brgy. Villabuena, Sta. Maria, Isabela.

Ayon kay SPO1 Celmo David Purok , ang tagasiyasat sa kaso, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ni Sibayan na magpakamatay dahil sa suliranin sa pag-iisip batay sa pahayag ng kanyang pamilya.

Nagkataon lamang na kagabi ay walang nakapansin sa kanyang pagtung sa balon sa likod ng kanilang bahay kaya hindi siya napigilan.

--Ads--

Ilang concerned citizen naman ang nakakita na may tumalon sa balon kaya sila ay nagtawag ng barangay tanod.

Agad na dinala sa pagamutan si Sibayan matapos maiahon sa balon ngunit dead on arrival sa ospital.

Hindi na ipapa-autopsy ang bangkay ni Sibayan biktima dahil sa paniwalang walang foul play.