Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga Most Wanted Persons sa lalawigan ng Isabela sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station at CIDG Isabela.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alyas “Maria”, 33-anyos, may asawa, at residente ng Zone 1, Barangay Minante I, Cauayan City.
Ang suspek ay nahaharap sa labindalawang kaso ng Qualified Theft.Batay sa ulat, ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng RTC Branch 19, Cauayan City noong Oktubre 14, 2025.
Ang bawat kaso ay may inirekomendang piyansang ₱30,000 para sa pitong bilang at ₱40,000 para sa limang bilang.
Pinangunahan ng CIDG Isabela PFU ang operasyon, katuwang ang PIU-IPPO, RMU2, RIU2-PIT Isabela, at Santiago City Intelligence Team.
Ayon sa pulisya, naipaalam kay alyas “Maria” ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009.
Naidokumento rin ang pag-aresto sa pamamagitan ng alternative recording device kung saan Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng CIDG Isabela PFU ang suspek para sa tamang disposisyon at paghahain sa korte.
--Ads--











