Isang pasahero ng motorsiklo ang nasawi matapos ang isang trahedya sa Barangay Sta. Cruz Sur, Badoc, Ilocos Sur.
Ayon kay P/Capt. Elison Pasamonte, hepe ng Badoc Municipal Police Station, ang nagmamaneho ng motorsiklo ay nakilalang si Mark Jewish Cargado y Anteola, 29-anyos, habang ang nasawing pasahero ay si Billy Anteola y Ricamor, 49-anyos. Pareho silang hindi kasal at residente ng Barangay Garreta, Badoc.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang motorsiklo ay binabaybay ang timog nang sumalpok ito sa isang Stop Animal Quarantine Checkpoint signage sa boundary ng Badoc at Sinait.
Dahil sa lakas ng impact, nahulog ang angkas mula sa motorsiklo at nagkaroon ng maraming sugat.
Agad dinala ng mga emergency responders ang mga biktima sa Corpuz Hospital sa Sinait, Ilocos Sur, ngunit idineklara ng attending physician na si Dr. Lorna Castillo ang pasahero na dead on arrival.
Nilinaw ng mga awtoridad na bagamat mabilis ang takbo ng driver sa oras ng aksidente, hindi ito lasing.











