--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipagpapatuloy ng bagong talagang Brigade Commander 5th Infantry Brigade ang pagtugis sa mga nalalabing miyembro ng New People’s Army o NPA sa kanilang nasasakupan pangunahin na sa Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division Philippine Army na mayroon na ang bagong Brigade Commander st Infantry Brigade ay si Col. Ferdinand Melchor Dela Cruz na naging Chief of Staff ng 5th ID sa loob ng mahigit  tatlong taon.

Pinalitan ni Col. Dela Cruz ang dating Brigade Commander na si Brig. Gen. Steve Crespillo na ngayon ay Vice Commander ng Philippine Army.

Inihayag anya ni Col. Dela Cruz na ipagpapatuloy niya ang hot pursuit operation sa nalalabing miyembro ng NPA sa Komiteng Probinsiyang  Cagayan.

--Ads--

Sakop ng 501st Infantry Brigade ang buong Cagayan at Northern Apayao.

Paiigtingin nila ang military operations sa kanilang nasasakuan upang tuluyang masugpo ang rebeldeng pangkat.

Aabot anya sa dalawampo pang miyembro ng NPA ang tinutugis ngayon ng mga sundalo upang tuluyan nang mabuwag ang Komiteng Probinsiya Cagayan.

Mayroon pang namamataang miyembro ng NPA sa mga bayan ng Baggao at Peñablanca, Cagayan na kanilang pinagtutuunan ng pansin.