--Ads--

Hindi pa rin matukoy kung kailan iaanunsyo ang mga bagong National Artists ng Pilipinas, kahit dapat ay Abril 2026 pa ito inanunsyo.

Ayon kay Film Development Council of the Philippines Chairman at CEO Jose Javier Reyes, nakipag-ugnayan na siya sa Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts para malaman ang schedule ng announcement.

Sinabi ni Reyes na nakahanda na rin ang FDCP para sa presentasyon ng bagong National Artist for Film and Broadcast Arts, kabilang ang poster ng isang napapabalitang mapipili para sa pagkilala.

Una nang inaasahang iaanunsyo ang mga bagong National Artists noong Abril, ngunit hindi ito natuloy. Inaasahan din ang announcement noong Hunyo 12, subalit wala ring inilabas na pahayag.

--Ads--

Samantala, inihayag ni Reyes na naglaan ang FDCP at Film Academy of the Philippines ng panimulang pondo para sa Cinemalaya 2027, kasunod ng rehabilitasyon ng CCP complex.