--Ads--

Bagong panganak na sanggol, tinangay sa loob ng hospital sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya

CAUAYAN CITY – Isinasailalim sa masusing pagsisiyasat ang isang babaeng dinakip matapos tangayin ang bagong panganak na sanggol sa Regional Veterans Hospital sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Jenelyn Bumanghat, 31 anyos, walang asawa at residente ng Barangay Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Joseph Dela Cruz, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) na nagpakilala si Bumanghat sa ina ng sanggol na si Pearl Sagario, 29 anyos at inalok na ilabas ang sanggol upang paarawan ngunit makaraan ang ilang oras ay hindi na bumalik ang babae.

--Ads--

Kaagad humingi ng tulong sa pulisya ang ama ng sanggol at inilarawan ang itsura ng suspek.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang Bayombong Police Station sa kalapit nitong himpilan.

Sa pagtugon ng PNP Bayombong at PNP Solano ay agad na nadakip si Bumanghat na buhat ang sanggol sa Maharlika Highway na sakop ng Solano, Nueva Vizcaya.