--Ads--
Opisyal nang inanunsyo ng mga mananaliksik ang pagtuklas sa isang bagong species ng octopus na unang naobserbahan noong 2015.
Ayon sa ulat, ang nasabing octopus ay kulay asul at deep purple at kasinglaki lamang ng golf ball.
Una itong naispatan ng mga siyentista noong 2015 sa isang deep-sea expedition malapit sa Galapagos Island sa Ecuador.
Sumailalim ito sa masusing pagsusuri sa isang museo sa Chicago, United States, bago kinumpirma na isa itong bagong species.
--Ads--
Pinangalanan ang natuklasang octopus na Microeledone galapagensis.





