--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagya pang lumakas ang Tropical Depression Aghon habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran.

Huli itong namataan sa layong 135 km Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lakas ng hangin na 55 km/h at pagbugso na 70 km/h.

Batay sa PAGASA, posible itong maglandfall ng dalawang beses bukas sa Eastern Visayas at Bicol Rigion bago kikilos pahilaga o hilagang silangan papalapit sa Hilagang Luzon. Posible rin itong lumakas pa at maabot ang Typhoon Category pagsapit ng lunes.

Nananatili ang Signal Number 1 sa Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate kabilang na ang Ticao Island, Burias Island, Quezon, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Cebu kabilang ang Camotes Islands, Bantayan Islands and Bohol.

--Ads--