Lalo pang lumakas ang tropical cyclone na si Bagyong Domeng habang kumikilos sa loob ng teritoryo ng PH, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng State weather bureau, sinabi ng ahensya na isa nang severe tropical storm na si Domeng.OFW
Huling namataan ang bagyo sa layong 95Km/h kilometro silangan ng East of Northern Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 115 km/h.
Kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na direktang makaapekto si Domeng sa lagay ng panahon sa bansa sa susunod na 24 oras.
Ngunit maaari nitong palakasin ang southwest monsoon o habagat na posibleng magdulot ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa simula sa araw ng Linggo, Mayo 31.
Inaasahan ding lalo pang lalakas si Domeng at posibleng maging ganap na bagyo o typhoon pagsapit ng Sabado ng gabi.
Gayunpaman, sinabi ng weather bureau na hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.
Patuloy umanong kikilos si Domeng pahilagang-kanluran hanggang Linggo bago lumiko patungong southern Japan sa Lunes, Hunyo 1.











