Lumakas pa ang Tropical Depression Kiyapo habang kumikilos sa karagatang silangan ng lalawigan ng Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kanilang weather bulletin pasado alas-8:00 ng gabi nitong Miyerkules huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 540 kilometro silangang hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang pinalakas na hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras. Kumikilos ito West-northwestward sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga lalawigan ng:
Batanes
Cagayan including Babuyan Islands
Isabela
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
the northern portion of Nueva Vizcaya (Bagabag, Diadi, Bayombong, Ambaguio, Villaverde, Quezon, Solano)
the northern portion of Quirino (Maddela, Cabarroguis, Saguday, Diffun, Aglipay)
the northern portion of Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun, Kibungan)
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang pinakamataas na babalang itataas habang tatawid ang bagyo sa bansa.
Gayunpaman, hindi rin isinasantabi ang posibilidad na maitaas ang Signal No. 3 kung lalo pang lalakas ang bagyo at magiging isang severe tropical storm habang dumaraan sa Batanes at Babuyan Islands.
Inaasahang daraan nang malapit o posibleng mag-landfall ang Tropical Depression Kiyapo sa paligid ng Babuyan Islands sa pagitan ng Biyernes ng hapon at Biyernes ng gabi.
Samantala, patuloy na palalakasin ng habagat at ng sirkulasyon ng bagyo ang pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng bansa.
Sa Biyernes, inaasahan ang malalakas hanggang gale-force na hangin sa halos buong bansa, lalo na sa mga baybayin at matataas na lugar.
Pagsapit ng Sabado, mararanasan ang parehong kondisyon sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, kabilang ang Zamboanga del Norte, Davao Oriental at Dinagat Islands.











