--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagya pang lumakas ang bagyong Kristine habang nasa karagatan sa Silangang bahagi ng Bicol Region.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, batay Tropical Cyclone Bulletin Number 7 ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm Kristine sa layong 390 km East ng Daet, Camarines Norte at kumikilos sa West Northwestward Direction sa bilis na 15 km/h.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Inaasahan itong maglalandfall sa Isabela o hilagang bahagi ng Aurora Province bukas ng gabi kung saan tinatayang lalakas ito sa Severe Tropical Storm bago tumama sa lupa.

--Ads--

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Catanduanes, eastern portion of Camarines Norte, eastern portion of Camarines Sur,  eastern portion of Albay,  eastern portion of Sorsogon, northeastern portion of Northern Samar at ang northern portion of Eastern Samar.

Signal Number 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Marinduque, Romblon, at ang mga nalalabing bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur,  Albay, Sorsogon, Eastern Samar, at Northern Samar.

Signal Number 1 din Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.