--Ads--

Napanatili ng bagyong Leon ang lakas nito ngunit bumagal ang kilos habang kasalukuyang nasa silangang karagatan ng bansa pangunahin sa silangan ng Central Luzon.

Batay sa datos na inilabas ng state weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 840 km East ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 km/h at may pagbugsong aabot sa 105 km/h. Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 10km/h

Itinaas na sa Signal No. 1 ang eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Teresita, Gonzaga, Peñablanca), eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Ilagan City, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Palanan, San Mariano, Dinapigue), at northeastern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga)

--Ads--

Magpapatuloy ang pakanlurang direksyon ng bagyo sa susunod na 24 oras at bahagyang liliko pa hilagang kanluran bukas ng gabi o sa Myerkules. Muli itong liliko pa hilaga hilagang kanluran at mananatiling malayo sa Philippine landmass at maaring maglandfall o dumaan malapit sa Northern Taiwan.

Ngayong araw maaring lumakas pa ang bagyo hanggang severe tropical storm category at bukas ay maaring maabot nito ang typhoon category.