Lalo pang humina ang bagyong Ofel sa pagdaan nito sa pagitan ng Babuyan Islands at northern portion ng mainland Cagayan kagabi.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layolng 100 km Northwest of Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150km/h.
Nakasailalim pa rin sa tropical cyclone wind signal no. 3 ang western portion ng Babuyan Islands (Calayan Island, Dalupiri Island, Fuga Island), northwestern portion ng Cagayan (Claveria at Santa Praxedes), at northernmost portion ng Ilocos Norte (Pagudpud)
Signal no. 2 naman ang natitirang bahagi ng Babuyan Island, northwestern portion ng mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), northern portion ng Apayao at northern portion of Ilocos Norte.
Signal no. 1 naman sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, northern portion ng Isabela (Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini), natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, northern and central portions ng Abra, natitirang bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion of Ilocos Sur.
Magpapatuloy ang northwestward direction ng bagyong Ofel at lalabas sa northwestern boundary ng Philippine Area of Responsibility mamayang hapon at maaring pumasok muli ng PAR bukas bago ito tuluyang tumbukin ang Taiwan sa weekend hanggang sa maging remnant low na lamang ito.
SAMANTALA Patuloy ding tumataas ang posibilidad na tumama at dumaan sa bahagi ng Samar Provinces, Bicol Region, CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon at ilang bahagi ng Northern Luzon ang bagyong Pepito na pumasok na ng Philippine Area of Responsibility kagabi kung saan patuloy ang paglakas nito na inaasahang maabot na ang typhoon category ngayong araw.
Huli itong namataan sa layong 795 km East of Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135km/h. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25km/h.
Posible itong maging super typhoon Category habang papalapit sa mga nabanggit na lugar partikular sa Bicol Region at Eastern Visayas sa weekend.
Sa ngayon nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Catanduanes, eastern portion ng Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay at eastern and southern portions ng Sorsogon, Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar at northeastern portion of Samar
Batay sa forecast track nito, kikilos ang bagyong Pepito pakanluran sa susunod na 24 oras bago lumiko pa west northwestward hanggang northwestward sa Philippine Sea at dadaan malapit sa Eastern Visayas at Bicol Region. Maari itong maglandfall sa eastern coast ng Central Luzon sa weekend. Habang nasa karagatan pa ang bagyo ay maari pang magshift ang direksyon nito kaya manatiling nakatutok para sa mga update sa lagay ng panahon.