CAUJAYAN CITY- Nilooban ng mga kawatan ang isang bahay habang nilimas din ang laman ng isang tindahan sa Brgy. District 3, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Varemar Dalog, isa sa mga nanakawan, aniya, posibleng alas tres ng madaling araw nangyari ang pagnanakaw kung saan nilooban ang kanilang bahay at tinangay ang tatlong celphone, bag na naglalaman ng ID at ibang cards, maging ang 13th month pay na kaka withdraw lamang.
Aniya, bumangon pa siya nang may marinig na ingay at doon na tumambad sakanya ang bintana na nakabukas na posibleng dinaanan ng mga kawatan.
ma swerte na lamang at wala aniyang nangyaring masama sakanila at tanging mga gamit lamang ang puntirya
Malakas naman ang hinala ng mga biktima na ang mga suspek ay isang grupo ng mga kabataan na matagal nang nagmamanman sa kanilang bahay.
Bukod sa isang bahay ay ninakawan din ang katabi nitong tindahan sa Brgy. District 3, Cauayan.
Samanatala sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Irene Mercado, may-ari ng tindahan, aniya tinatayang sampong pack ng sigarilyo, mga chichirya at isang parcel ang tinangay sa kanyang tindahan.
Ang mga kawatan aniya ay may lakas pa ng loob na tumambay sa harap ng tindahan at doon kinain ang ilang mga pagkain na kanilang ninakaw.
Wala naman aniya siyang impormasyon kung anong oras posibleng nangyari ang insidente dahil may kalayuan ang kanilang bahay sa kanyang tindahan.
Nais na lamang aniya nila na malaman kung sino ang mga kawatan upang mabigyan ng kaukulang parusa at hindi na mangyari sa ibang mga kabahayan at tindahan ang naturang pagnanakaw.