--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng ilang may-ari ng bahay kalakal sa San Mateo, Isabela na paigtingin ang pagbabantay sa seguridad sa kanilang barangay para mahadlangan ang mga insidente ng pagnanakaw at panloloob.

May mga bahay kalakal na ninanakawan ngunit hindi na naipaparating sa himpilan ng pulisya.

Kabilang sa mga pinakahuling biktima ng pagnanakaw si Gng. Vilma Santos na may-ari ng isang bahay kainan sa Poblacion area ng San Mateo, Isabela na nasalisihan ng magnanakaw at natangay ang kanyang bag na naglalaman ng pera at mga mahalagang dokumento.

Hiniling niya na isauli ang mga mahalagang dokumento sa kanyang bag tulad ng kanyang identification card.

--Ads--

Nagsagawa sila ng review sa kuha CCTV malapit sa kanilang lugar ngunit  hindi nakuha ang pagpasok ng magnanakaw sa kanyang puwesto.