--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinagbabaril ang bahay ng dalawang nanalong barangay Kagawad sa Santo Tomas, Isabela.

Ang pinagbabaril na mga bahay ay pag-aari nina Barangay Kagawad Johnny Ulep at Barangay Kagawad Rosilito Collado, kapwa nasa tamang edad at kapwa residente ng Biga Oriental, Santo Tomas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Mariano Manalo, hepe ng Santo Tomas Police Station, nakarinig umano ng sunod sunod na putok ng baril ang mga residente ng nasabing barangay noong madaling araw ng lunes subalit walang naglakas loob na lumabas sa kanilang mga bahay o mag-ulat man lamang nag-ulat sa himpilan ng pulisya.

Kinabukasan ay nakita ng magkapitbahay na dalawang barangay kagawad ang tama ng bala ng baril sa bintana at dingding ng kanilang bahay.

--Ads--

Nakarekober ng tig tatlong basyo ng bala ng Cal. 9mm sa harapan ng bahay ng dalawang barangay kagawad.

Nauna nang nag-ulat sa himpilan ng pulisya si Barangay Kagawad Ulep na nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay bago ang halalan noong Mayo, 14, 2018.

May hinala anya si Barangay Kagawad Ulep na may kinalaman sa katatapos na Barangay at SK election ang naganap na pamamaril sa kanyang bahay at bahay ni Brgy. Kagawad Collado.