CAUAYAN CITY –Mga appliances ang tinangay ng magnanakaw sa isang bahay sa barangay Cabaruan, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Ma. Cristina Diniega ang anak ng biktimang si Lola Rose Lagundi na noong May 14, 2018 pa iniwan ng kanyang ina ang bahay at hindi nila malaman kung anong araw isinagawa ang pagnanakaw.
Naging daanan ng mga suspek ang maliit na bintana sa Comfort Room at maliit na butas sa likod ng bahay.
Ayon pa sa anak ng may-ari ng bahay nagluto, kumain ng balut at naligo pa ang mga suspek bago ninakaw ang mga kagamitan sa loob ng bahay ng kanyang ina.
Tinangay ng mga magnanakaw ang refrigerator, television, bigas at mga alahas.
Sa follow-up operation ng mga pulis ay natukoy at nadakip ang dalawang suspek sa pagnanakaw at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.




