--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihinalang ang pagtanggi ng kanyang misis na makipagbalikan sa kanya ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 45 anyos na baker sa Cordon, Isabela.

Ang lalaki ay natagpuan mismo ng kanyang dating kinakasama na wala nang buhay sa ilalim ng puno ng sampalok sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa Cordon Police Station, maaaring nagpakamatay ang lalaki dahil sa bakas ng lubid sa kanyang leeg at may nakita ring tali sa puno ng sampalok.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSg. Renato Calibuso ng Cordon Police Station, sinabi niya maaaring depressed ang lalaki dahil sa pakikipaghiwalay ng kanyang kinakasama na isang Overseas Filipino Worker (OFW) at dumating lamang ngayong buwan mula sa ibang bansa.

--Ads--

Ilang beses na umano siyang nagtangkang magpatiwakal mula nang magkalabuan sila ng kanyang asawa.

Apat ang naiwang anak ng lalaki at bagamat hindi kasal ay matagal na umano silang nagsasama ng OFW.

Ang pahayag ni SSg. Renato Calibuso