--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan si Governor Rodito Albano  na tuloy ang Balik-Probinsya Program ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa kabila ng mga naitatalang nagpopositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Matatandaang tatlong OFW mula sa Echague at Angadanan, Isabela ang panibagong COVID-19 positive patients sa Isabela.

Ang ikaapat na taga-Mallabo, San Mariano, Isabela ay nagtatrabaho sa Metro Manila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano, sinabi niya na hindi puwedeng pabayaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na gustong umuwi sa Isabela.

--Ads--

Aniya, malaki ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya dapat lamang na bigyan sila ng pansin ngayon,  lalo na at bumalik sila sa bansa dahil nawalan sila ng trabaho sa pinanggalingan nilang bansa.

Sinabi pa ni Gov. Albano na may mga quarantine facilities na tutuluyan ng OFW’s kapag nakauwi sila sa Isabela.

Binigyang-diin ng punong lalawigan na ang virus ay hindi nakikita at walang nakakaalam kung sinu-sino ang tatamaan nito kaya hindi dapat sisihin ang mga umuuwi sa lalawigan lalo na ang mga OFW’s.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano