--Ads--

CAUAYAN CITY – Makakalaya pansamantala ang isang lalaki kapag naglagak ng piyansang P/120,000.00 na mayroong kinakaharap na kasong homicide sa Magassi, Cabagan, Isabela.

Ang dinakip ay si Franciso Palogan, 44 anyos, isang balo, caretaker at residente ng nasabing barangay.

Dinakip ang suspek ng mga kasapi ng Cabagan Police Station sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas Hukom Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court Branch 22 Cabagan, Isabela.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

--Ads--