Nanguna si Police Staff Sergeant (PSSg) Ronald D. Furuc matapos masungkit ang kampeonato sa 21-kilometer run ng BJMP-PRO2 Anniversary Half Marathon Challenge 2026 na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan noong Hulyo 26.
Naitala ni PSSg Furuc ang oras na 1 oras, 28 minuto at 16 segundo upang masungkit ang titulo bilang kampeon sa age category 30-39 ng naturang patimpalak na nilahukan ng mga runners mula sa iba’t ibang ahensya at running clubs sa rehiyon.
Samantala, nagwagi rin si Police Master Sergeant (PMSg) Jordan G. Panday sa 21-kilometer event sa age category 40-49 matapos maitala ang official time na 1 oras, 40 minuto at 50 segundo.
Ipinagmalaki ng dalawang pulis ang kanilang tagumpay habang suot ang kulay ng Cauayeño Run Club at Team BambooCops, na muling nagbigay ng karangalan sa Cauayan City sa larangan ng long-distance running.





