--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan na ang bangkay ng isa sa dalawang nalunod sa Ganano River na bahagi ng Purok 5, Barangay Divisoria, Santiago City.

Natagpuan na ng mga rescue team ang bangkay ni Daryl Ulep Apostol, 9 anyos at residente ng nasabing Barangay.

Unang natagpuan ang bangkay ni Earl John Ulep, 15 anyos, estudyante matapos ang kanilang pagkalunod noong linggo sa Ganano River.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Danilo Miller ng Barangay Divisoria, Santiago City, sinabi niya na natagpuan ang katawan ng bata sa pinakamalalim na bahagi ng ilog kaya kinailangan pang sisirin at gumamit ng compressor ang mga Rescue Team.

--Ads--

Aniya, halos taun-taon na may nalulunod sa nasabing ilog pangunahin na sa mga unang buwan ng taon kaya payo niya sa mga kabataan na iwasang magtungo sa nasabing ilog para maiwasan ang kapahamakan.

Ang pahayag ni Barangay Kagawad Danilo Miller.