--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos barilin sa ulo ng kanyang nakaalitan na magsasaka sa Purok Singko, Brgy. Faustino, Cauayan City.

Ang biktima ay si Ernesto Cristobal,44 anyos, at may asawa samantalang ang pinaghihinalaan ay si Mario Legazpi, nasa wastong edad, may asawa at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supr Narciso Paragas ang hepe ng Cauayan City Police Station, abala ang dalawang magsasaka sa kanilang bukid ng pinaghihinalaan ang biktima na gumawa ng canal sa kanyang lupain upang maka agos din ang tubig sa sakahan ng suspek.

--Ads--

Tinanggihan umano ito ni Cristobal kaya nauwi sa mainit na pagtatalo ang dalawa, makalipas ang ilang sandali ay kumuha ng hindi pa malamang uri ng baril si Legazpi at binaril sa ulo ang biktima na nagsanhi ng agarang kamatayan nito.

Patuloy na pinaghahanap ng kapulisan ang pinaghihinalaan na agad tumakas matapos ang krimen.