--Ads--
CAUAYAN CITY- Nakita ang bangkay ng isang matandang lalaki na palutang-lutang sa irrigation canal sa nasasakupan ng Abuan, Santiago City.
Ang bangkay ay tinatayang nasa 60 anyos hanggang 65 anyos, nakasuot ng gray 6 pocket shortpant at orange stripe polo-shirt.
Ang di pa nakikilalang bangkay ay manipis ang buhok, kayumanggi ang kulay at payat ang pangangatawan.
Nakita ng isang residente ang bangkay na nakabalot ng tolda na kaagad ipinagbigay alam sa Station one ng Santiago City Police Office.
--Ads--
Dinala na sa isang punerarya ang bangkay at isasailalim sa autopsy.




