--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakilala na ang bangkay ng isang lalake na natagpuang palutang lutang sa ilog na nasasakupan ng Purok 7, Centro west, Santiago City.

Ang nasawing lalake ay si Jack Mariano, nasa tamang edad at residente ng Nagasican Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Ricardo Dillig, Deputy Station Commander ng SCPO Station 1 sinabi niya na isasagawa na ng Scene of the Crime operatives (SOCO) ng autopsy sa bangkay ng nasawing lalake.

Lumalabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na posibleng nagtungo sa ilog ang lalake dahil na rin sa mga naiwan nitong damit malapit sa ilog gayunman ay hindi pa rin nila isinasantabi ang posibilidad na inanod lamang ang bangkay nito sa Centro west.

--Ads--

Kasalukuyang nakalagak sa isang punerarya sa Santiago City ang bangkay ng lalake ay naipaalam na rin sa pamilya nito ang nangyari.

Ang pahayag ni PCaptain Ricardo Dillig.