--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng maiuuwi na sa susunod na linggo ang bangkay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa Dubai.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na natuloy ang pagpunta sa Dubai ng anak at kapatid ni Amalia Daproza, 58 anyos at tubong General Santos City dahil iuuwi ang kanyang bangkay sa Pilipinas matapos na negatibo sa coronavirus sa isinagawang pagsusuri.

Ayon kay Secretary Bello, nagpalabas siya ng press release na humihingi ng paumanhin sa pamahalaang Dubai matapos magdulot ng pangamba ang nauna niyang inihayag na namatay sa coronavirus si Daproza.

Pinagsabihan din niya ang mga tauhan sa Dubai na maging maingat sa kanilang isinusumiteng report.

--Ads--

Sinabi ng kalihim na ang kanyang pahayag ay batay sa written report na natanggap niya noong February 02, 2020.

Ang tinig ni Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE