--Ads--

Malubhang nasugatan ang isang barangay kagawad matapos masalpok ng isang dump truck ang kanyang motorsiklo habang nasa pambansang lansangan ng Brgy. San Juan, Aurora, Isabela.

Ang dump truck ay minamaneho ni Jonathan Agsunod, 29 anyos, na residente ng San Mariano, Isabela. Samantala, ang nasugatang kagawad na nakasakay sa motorsiklo ay kinilalang si Benjamin Domingo II, 53 anyos, may asawa, at residente ng Roxas, Isabela.

Naganap ang insidente nitong umaga ng Martes, Marso 17. Batay sa paunang imbestigasyon, ang motorsiklo ay nasa proseso ng pag-U-turn nang dumausdos ang mga gulong, dahilan upang mawalan ng kontrol ang drayber at mabangga ng paparating na dump truck na patungong bayan ng Roxas.

Dahil sa aksidente, nagtamo ang biktima ng iba’t ibang injury sa katawan at kinailangang sumailalim sa operasyon. Sa kabutihang palad, kasalukuyan siyang nasa maayos na kalagayan matapos ang medikal na paggamot.

--Ads--