--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi sa naganap na pamamaril ang isang Barangay Kapitan at isang kandidato sa pagka-konsehal sa Barangay Nagtupacan, Lagangilang, Abra.

Ang biktima ay si Barangay Captain Louie Salvador Claro na isa ring retiradong pulis habang ang isa sa mga suspek ay si Manzano Bersalona Agdalpen Jr. at driver nitong si Joselito Orilla.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Daniel Pel-ey ang PCADU chief ng Abra Police Provincial Office, sinabi niya na kasagsagan ng pangangampaniya ng magkaroon ng kaguluhan sa naturang Barangay.

Nakaalitan aniya ni Manzano Bersalona Agdalpen Jr. ang Barangay Kagawad na si Rommel Apolinar, na sinasabing tagasuporta ng kabilang partido.

--Ads--

Agad umanong pinuntahan ni Kagawad Apolinar si Kapitan Claro para tignan ang sitwasyon sa lugar.

Pagdating umano doon ay sinuntok ni Adalpen si Kagawad Apolinar na gumanti din ng suntok, dito na aniya inilabas ng Adalpen ang kaniyang baril at tinangkang barilin si Kagawad Apolinar subalit nag-malfunction ang baril.

Sunod umanong pinaputukan ni Adalpen si Kapitan Claro at doon ay pumutok na ang baril at tinamaan ang biktim, nagawa pang umano nitong makatakbo subalit muling pinaputukan ng mga kasamahan ng kandidato.

Sa gitna aniya ng kaguluhan ay may isa pang putok ng baril kung saan ang tinamaan dito ay si Adalpen.

Kapawa idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Kapitan Claro at Adalpen dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pulisya para tukuyin kung saan galing ang isa pang putok ng baril na ikinasawi naman ni Adalpen.

Nagtanong tanong na aniya sila sa ground para makakalap ng karagdagang impormasyon at matukoy ng puno’t dulo ng naging pagtatalo ng nasawing kandidato at Barangay kagawad.

Ayon kay PLT.Col. Pel-ey ang Bayan ng Lagangilang, Abra ay nasa ilalim ng yellow category subalit dahil sa naturang pangyayari ay ikinukunsidera nila ito bilang suspected Election Related Incident kaya magsasagawa sila ng validation sa loob ng sampung araw.

Plano nila ngayon na paigtingin pa ang presensya ng pulisya sa pamamagitan ng regular na pagronda sa interior barangays para maiwasan na ang ganitongt insidente.