--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan nang ginagamot ang isang punong barangay matapos barilin ng isang pinaghihihinalaan malapit sa isang gasolinahan.

Ang biktima ay Brgy. Kapitan Norlito Lebii ng Bantug, Ramon, Isabela ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tenga at tumagos sa kanyang pisngi ang bala.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Melanio Vinuray, Deputy Chief Of Police ng Ramon Police Station na naganap ang pamamaril isa isang gasoline station.

Ipinarada ng barangay kapitan ang kanyang sasakyan at nagtungo sa convenience store ng isang gasolinahan at pagbalik sa kanyang sasakyan ay mayroong isang pinaghihinalaan ang biglang bumaril sa kanya.

--Ads--

Matapos ang pamamaril ay dali daling umalis sakay ng motorsiklo patungong direksiyon ng Lunsod ng Santiago ang pinaghihinalaan

Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng Ramon Police Station sa nasabing pamamaril.