--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ni Barangay Kapitan Harley Deolazo ng Cataguing, San Mariano, Isabela na sa kanya ang mga illegal na pinutol na kahoy na nakumpiska ng mga awtoridad.

Matatandaang naaktuhan ng pinagsanib na puwersa Police Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office IPPO), San Mariano Police Station at 1st Isabela Police Mobile Force Company ang barangay kapitan kasama ang walong iba pa na nagkakarga ng mga pinutol na kahoy sa truck sa tabing ilog ng Pinacanauan River sa naturang barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMSgt. Jonimar Baingan, investigator ng San Mariano Police Station, sinabi niya na para sana sa bodega ni barangay kapitan Deolazo ang mga nasabat na kahoy na isinakay sa kanyang 6 by 6 truck.

Umabot sa halos 2,000 board feet ng mga nilagareng kahoy ang nasamsam.

--Ads--

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines si barangay kapitan Deolazo maging ang walong kasama na sina Helbert Martinez, Donald Cachuela, Jeffrey Deray, Michael Bacani ay Jomari Palattao pawang residente ng Buyasan, San Mariano, Isabela, Jerold Malsi, Jeremy Malsi at Jackson Malsi na pawang residente ng Cataguing, San Mariano, Isabela.

Ang pahayag ni PMS Jonimar Baingan