Inaasahang haharap si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa House prosecution panel, mahalaga ang testimonya ng alkalde matapos niyang amining may mga transaksiyon ang Gencorp Industries Inc.—kumpanyang idineklara ni VP Duterte sa kanyang SALN—sa pamahalaang lungsod ng Davao.
Sa pagdinig ngayong Lunes, tatapusin muna ng prosekusyon ang presentasyon ng ebidensya kaugnay ng mga kontratang iginawad sa Gencorp bago isalang si Baste Duterte, na nakatanggap na ng subpoena para dumalo sa mga pagdinig mula Setyembre 28 hanggang 30.
Inaasahan ding magbibigay ng testimonya si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay ng mga rekord na may kinalaman sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente.











