Pumanaw na ang kilalang television director at producer na si James Burrows sa edad na 85, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya.
Kinilala si Burrows bilang isa sa mga pinakaimpluwensyal na direktor sa kasaysayan ng telebisyon, matapos pangunahan ang ilan sa pinakasikat na sitcoms sa mundo gaya ng Friends, The Big Bang Theory, Frasier, at Will & Grace. Isa rin siya sa mga co-creator ng klasikong sitcom na Cheers.
Sa loob ng mahigit limang dekada sa industriya, nakatanggap si Burrows ng 11 Emmy Awards at limang Directors Guild of America Awards. Pinuri siya ng kanyang mga kasamahan hindi lamang sa kanyang husay sa pagdidirek kundi pati na rin sa kanyang kabaitan at suporta sa mga artista at production staff.
Nagbigay-pugay rin sa kanya ang ilang artista na nakatrabaho niya, kabilang sina Eric McCormack, Lisa Kudrow, at Matt LeBlanc. Ayon sa kanilang mga mensahe, malaki ang naging impluwensiya ni Burrows sa kanilang mga karera at mananatili ang kanyang pamana sa mundo ng telebisyon at komedya.






