Pinalitan ni Senator Robin Padilla si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa bilang miyembro ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigation.
Inalis si Dela Rosa sa komite dahil sa hindi nito pagdalo sa mga sesyon ng Senado simula pa noong Nobyembre.
Pinangunahan ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang mosyon upang maitalaga si Padilla sa komite bilang kinatawan ng Senate minority bloc.
Walang tumutol sa naturang mosyon kaya agad itong inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III.
Matatandaang noong Nobyembre ay lumutang ang ulat na may inilabas umanong warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court kaugnay ng kanyang naging papel bilang hepe ng Philippine National Police sa kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.











