--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbili ng National Food Authority (NFA) region 2 ng aning palay ng mga magsasaka.

Ang buying price ngayon ay 19 pesos ang bawat kilo ng  clean and dry na palay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Acting Regional Manager  Oliver Cambas ng NFA region 2 na ito ang nationwide na buying price na itinakda ng NFA Council.

Binibili pa rin nila ang hindi masyadong dry depende sa moisture content ng palay na ibebenta ng mga magsasaka.

--Ads--

Sa Isabela ay 21 pesos bawat kilo ang pagbili ng NFA dahil sa dalawang pisong support price ng pamahalaang panlalawigan  sa  palay ng mga magsasaka na nasa masterlist.

Limampung sako ng palay lamang ang puwedeng ibenta sa 21 pesos bawat kilo.

Kung sobra sa 50 bags ay bibilhin na sa 19 pesos bawat kilo.

Sinabi ni Acting Regional Manager Cambas na may standard specification sa palay na ibinebenta  sa mga NFA warehouse.

Kung hindi 1st class ay mas mababa ang presyo ngunit kailangang makapasa sa standard ng NFA.

Mas maganda na magdala muna ng sample ng isang plastic para ipatest sa classifier sa NFA warehouse at presyo na lang ang pag-uusapan.

Ipinaliwanag ni Ginoong Cambas na ang mga binibiling palay ay magiging buffer stock o iimbak muna ng NFA at kapag may kalamidad tulad ng bagyo ay gigilingin ang palay para ibenta sa mga pamahalaang lokal.

Dahil dito ay kailangan na maganda ang kalidad ng binibili nilang palay.

Malulugi aniya ang ahensiya kapag may mga dilaw ang bigas kapag nagiling dahil hindi bibilhin ng mga LGU.

Hanggang ngayong Setyembre ay mayroon nang nabili ang NFA region na 231,000 bags  ng palay.

Average na  15,000 bags bawat araw ang kanilang nabibili.  

Sa buong bansa aniya ay apat lang ang inaasahan sa malaking production at  procurement ng palay kabilang ang region 2, 4, 6 at  12.

Ayon kay Ginoong Cambas, wala sila naririnig na reklamo hinggil sa palakasan sa pagbebenta ng palay sa ikalawang rehiyon

Nag-iikot sila ng kanyang asst regional manager para malaman ang ginagawa ng mga  tao nila sa field at kung may reklamo ay bukas silang makipag-usap sa magsasaka na may reklamo.

Ang pahayag ni NFA Acting Regional Director Oliver Cambas