CAUAYAN CITY – Nag-ambag ang bawat pulis sa region 2 para maipadala ng Police Regional Office (PRO2) ang 144 na sako ng bigas para sa mga evacuees sa Batangas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt. Col. Chevalier iringan, information Officer ng PRO2 na ang kanilang hakbang ay tugon sa panawagan ni bagong PNP Chief PLt. Gen. Archie Gamboa na bawat miyembro ng pulisya ay mag-ambag ng 10 pesos para sa kanilang pagtulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ang 144 na sako ng bigas na lulan ng six by six truck ng PRO2 ay ipinadala kahapon at idiniretso sa Batangas Police Provincial Office.
Sinabi pa ni PLt. Col. Iringan na inactivate na nila ang Reactionary Standby Support Force ng PRO2 para agad ipadala kapag kailangan ng augmentation force sa Batangas.











