--Ads--

Nakararanas ng matinding ashfall ang bayan ng Camalig, Albay ngayong Lunes, Pebrero 9, dulot ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Makikita sa mga larawan at video ibinahaging mga larawan at video ang makapal na abo na bumabalot sa bayan.

Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatili sa kani-kanilang tahanan at gumamit ng face mask bilang proteksyon laban sa iritasyon at iba pang sakit.

Nag-iikot naman ang lokal na pamahalaan upang mamahagi ng face mask sa publiko.

--Ads--

Samantala, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pinakamalaking pyroclastic density current (PDC) o uson na ibinuga ng Bulkang Mayon nitong Lunes ng umaga.

Nagdulot umano ito ng ash plume na nagdala ng ashfall sa ilang barangay sa Camalig at Guinobatan, Albay.