--Ads--

Handang-handa ang hanay ng Bureu of Fire Protection (BFP) Isabela Provincial Office sa nalalapit na holiday season ngayong Disyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 2 Janis Nuñez, ang Chief Public Information Officer ng BFP Isabela Provincial Office sinabi niyang magsisimula sa unang araw ng Disyembre ay activated na ang oplan paalala-iwas paputok, na kung saan ang mga BFP personnel ay aktibong magpromote ng fire safety sa publiko.

Ayon kay Senior Fire Officer Nuñez, mayroon mga kina-conduct na mga seminars, mga inspeksyons, letures at pakikipag-ugnayan sa mamamayan ng komunidad patungkol sa pag-iiwas ng sunog sa darating na holiday seasons.

Aniya, pagdating naman sa pagbebenta ng mga paputok ay tanging mga pinahihintulutan lamang ang dapat na magbenta ng mga ito, kasabay nila na mag-iinspek ang hanay ng DTI sa mga tindahan kung mayroon bang permit na magtinda.

--Ads--

Isa na ito sa tinututukan ngayon ng kanilang hanay ang mga nagtitinda na hihingi ng kanilang mga permit para makapagbenta ng mga ito ng iba;t-ibang klase ng paputok upang masiguro na ang kanilang mga ibebenta ay ligtas at sang-ayon sa mga safety standards ng gobyerno.

Samantala, pinapaalahanan naman ng BFP Isabela Provincial Office ang publiko na wag basta basta bibili ng mga abo’t kaya lang na dekorasyon para gamitin sa mga tahanan, siguraduhin na ang bibilhin ay ligtas na mga produkto. Aniya, kung sakaling bibili man hanapin ang PS or ICC marking na nakalagay sa mga produkto na ang ibig sabihin nito ay talagang nasuri yung safety at quality ng naturang christmas decorations.

Sa ngayon, wala pang naitatala ang kanilang hanay na mga paglabag na mga nagtitinda ng ganong produkto dahil pasimula pa lamang naman ang buwan ng Disyembre. Umaasa ang BFP Isabela Provincial Office sa mga business owners at merchants na patuloy ang pakiki-isa sa national government upang maisigurado ang kaligtasan ng lahat.