--Ads--
Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa susunod na linggo batay sa monitoring Mean of Platts Singapore (MOPS) nitong linggo.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas ng ₱0.60 kada litro, ₱1.35 naman ang dagdag sa presyo ng diesel, at ₱1.00 sa kada litro ng Kerosene.
Ayon sa DOE, ang pag-angat ng presyo sa pandaigdigang merkado nitong Lunes hanggang Miyerkules ay dahil sa geopolitical tensions sa Iran.
Ang mga oil companies ay karaniwang nag-aanunsiyo ng opisyal na price adjustments tuwing Lunes na ipatutupad sa araw ng Martes.
--Ads--
Maaaring tumaas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa mga tensyon sa Gitnang Silangan.









