--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumalo na sa dalawang libo isang daan at dalawampu’t limang baboy ang naisailalim sa Culling mula sa dalawampu’t limang munisipalidad sa Lalawigan ng Isabela kabilang na ang dalawang daan dalawampu’t apat na barangay na tinamaan ng African swine Fever o ASF.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, sinabi niya na  kabilang sa mga apektadong bayan ang Delfin Albano,Tumauini, Naguilian, Reina Mercedes, Alicia, Angadanan, Cabatuan, Ramon, San mateo, Cordon, Jones, San agustin, Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Manuel, Cauayan City, Echague at San Guillermo.

Aniya, inaasahan pang mas madadagdagan ang nasabing bilang dahil maraming munisipalidad pa ang nagsasagawa ng test o blood sampling sa mga alagang baboy ng mga backyard hog raisers sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Nilinaw niya na may ilang mga barangay parin naman sa mga apektadong munisipalidad ang hindi pa apektado ng ASF na maaari pang mapagkunan ng tustos ng baboy sakaling humupa na ang mga naitatalang kaso ng ASF.

--Ads--

Ayon pa kay Dr. Naui nagsisimula nang maramdaman ng mga meat vendor ang mababang suplay ng baboy sa lalawigan.

Isa sa mga dahilan nito ay ang culling dahil sa ASF at takot na rin ng mga hog raiser na mahawaan ng ASF ang baboy kaya maaga itong ibinebenta o pinapakatay.

Batay sa survey, malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga kinakatay na baboy sa mga pangunahing slaughter houses sa lalawigan dahil na rin sa mababang demand at mababang presyo ng baboy at ilan sa mga bayan na sobrang bumaba ang bilang ng mga baboy na kinakatay sa slaugther house ay ang , Echague, San mateo, Jones, Tumauini at Roxas kabilang na ang lunsod ng Cauayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui.