--Ads--

Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng Undas sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam kay Incident Management Head Gerry Manguira, sinabi niya na walang anumang insidenteng naitala ngayong taon. Gayunpaman, may bahagyang pagbaba sa bilang ng mga bumisita sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay, na iniuugnay niya sa lagay ng panahon.

Hanggang sa kasalukuyan, aniya, may mangilan-ngilan pa ring dumadalaw sa mga sementeryo.

Sa katunayan, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga sementeryo, lalo na sa mga ipinagbabawal na bagay. Dahil dito, naging maayos ang daloy ng mga taong labas-pasok sa mga pook himlayan.

--Ads--

Bukod sa pagdagsa ng mga tao, dumagsa rin ang mga motorista. Kaya naman, lubos ang pasasalamat niya sa mga motoristang nagbaon ng mahabang pasensya.

Ikinatuwa rin niya ang kakaunting basurang nakolekta sa mga sementeryo sa kabila ng dami ng mga bumisita.