--Ads--
Umakyat na sa 54 ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Pebrero 14.
Ito ay matapos makarekober ng isa pang labi ng lalaki sa underwater operations ng mga technical diver ng PCG ngayong araw.
Nananatili naman sa 293 ang bilang ng mga nakaligtas, habang 25 pa ang nawawala.
Ayon sa PCG, pinagsama-sama ang mga datos sa pamamagitan ng joint validation efforts ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at ng mga apektadong pamilya na nagsasagawa ng araw-araw na koordinasyon sa interagency search and rescue authority.
--Ads--









