--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging emosyunal ang ina ng binaril patay na mag-aaral sa barangay San Fermin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, umiiyak na inihayag ni ni Ginang Rodelyn Bones na nag-iisa niyang anak na lalaki sa tatlo nitong anak ang pinaslang na si Rodel Bones, 18 anyos, 3rd year sa Kursong Criminology at residente ng District 3, Cauayan City.

Inihayag pa ni Gng. Bones na bata pa lamang si Rodel ay marunong na siyang tumulong sa pinansiyal na aspeto sa pamamagitan ng pagtitinda ng pagkain sa kanyang mga guro at kamag-aral

Sinabi pa ni Gng. Bones na isa siyang single mom subalit hindi niya naramdaman dahil tumatayong ama si Rodel sa kanyang 2 nakababatang babaeng kapatid.

--Ads--

Aktibo rin sa kanyang pag-aaral si Rodel at palaging sumasali sa mga paligsagsahan sa pagsusulat at pagtutula.

Pangarap din ng kanyang anak na maging pulis.

Maging ang mga kaibigan ni Rodel ay hindi maiwasang maiyak sa burol ng biktima dahil wala naman silang alam na nakaaway ng kanilang kaklase.

Sa paunang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, naganap ang pamamaril kay Bones habang bumibili siya sa isang kantina pangunahin sa Brgy. San Fermin.

Nagtamo ng isa tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib ang biktima na agad isinugod sa pagamutan subalit binawian ng buhay.