--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang binata matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas sais kagabi sa Zone 2, San Mariano, Isabela.

Ang biktima ay si Marfelino Marimla, 30 anyos at residente ng Zone 2, San Mariano Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ama ng biktima na si Marcelino Marimla, sinabi niya na nakikipag-inuman ang kanyang anak sa kanyang mga kaibigan sa bahay ni Danny Pauig nang biglang pumasok ang isang lalaki at binaril sa ang kanyang anak.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod sa ospital si Marfelino ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng San Maiano Police Station para matukoy ag suspek at malaman ang motibo sa krimen.

Ang tinig ng ama ng biktima na si Ginoong Marcelino Marimla