--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang 23- anyos na lalaki matapos malunod sa ilog magat na nasasakupan ng Brgy. San Roque, San Mateo, Isabela

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, alas tres ng hapon  ng iulat ang pagkalunod ng biktima na agad na nirespondihan ng rescue team at ilang mga volunteers para hanapin ito.

Pasado alas singko ng hapon ng mahanap ang katawan ng binata na si Benjie Marcelo na pansamantala lamang na naninirahan sa Barangay Sanlinungan West, San Mateo, Isabela.

Ayon sa kaanak ng biktima na nagtungo sila sa ilog para sana magkasiyahan dahil may isa sa kanila ang nagdiriwang ng kaarawan.

--Ads--

Batay sa mga impormasyon nagpaanod ang biktima kasama ang apat na iba pa sa ilog subalit lingid sa kanilang kaalaman na may malalim na bahagi ito kung saan napunta ang biktima na naging sanhi para siya ay malunod.

Magaling naman anila na lumangoy ito subalit hinala nila na posibleng pinulikat ang biktima kaya ito nalunod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay George Balot, isa sa mga tumulong sa paghahanap sa katawan ng biktima na natagpuan ang katawan nito sa malalim na bahagi ng ilog na may lalim na walong metro.