--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos makabungguan ang isang Isuzu elf truck sa Barangay San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay si Manny Calipjo, 29 anyos, residente ng Baculod, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan patungong kanlurang direksyon ang biktima ng mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho dahil sa pakurbadang daan at hindi napansin ang paparating na truck na minamaneho ni Odilon Tunac, 64 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Gappal, Cauayan City dahilan para magsalpukan ang dalawa.

Agad na dinala sa hospital si Calipjo para malapatan ang tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan ngunit binawian ng buhay.

--Ads--

Agad namang sumuko ang tsuper ng truck sa Cauayan City Police Station na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Mariing inihayag ng suspek na hindi niya sinasadya ang nangyari dahil iniwasan pa umano niya ang biktima ngunit naabutan pa rin siya dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo ng biktima.